Worst to Best: Bicol’s best kinalas with mighty powers ng mga Bikolano!

Mula nang inilabas ng Taste Atlas ang listahan ng kanilang tinaguriang ‘worst rated Asian dishes,’ muli na namang nabuhay ang pagiging mausisa at mala-siyentipikong pagkilatis ng mga Pilipino sa mga nakalista rito, ngunit ang isa sa mga inulan ng ‘haaaa?’ ng karamihan ay ang pagkakasabay ng Kinalas na ika-17 sa listahang ito.

“Siguro survey lang ‘yon ng mga foreign na bumibisita dito, kasi hindi naman nila alam kung ano pinakamasarap na dish na siniserve ng Bicol. Siyempre ‘yung Bicol’s best is ‘yung Kinalas talaga natin,” ani Romar Paladan, may-ari ng Tapsilogan at Kinalas ni Bekla na siyang nasa top-rated Kinalas shop sa lungsod ng Legazpi. 

Sa pagbisita ng Bicol.PH sa Tapsilogan at Kinalas ni Bekla, maaamoy agad ang samyo ng mainit na sabaw na siyang bubuhay sa natutulog mong kalamnan lalong lalo na sa umaga. Worst dish daw pero sa amoy pa lang, panalo na! 

Mula sa pinagsama-samang powers ng chicharon at chicharon bulaklak, dalawang itlog (fresh egg at boiled), beef tapa plus pancit na tila ba mabisang gamot sa pagkaburyo mo kung tag-ulan, siguradong pati ikaw ay kikwestyunin nang pangmalakasan sa ibinabatong ‘worst dish’ algorithm dito. 

Ayon kay Paladan, ang recipe ay nagmula pa sa kaniyang ina at umusbong na lamang bilang business na mas naging kilala pa dahil sa mga bumisita ritong beauty queens katulad ni Miss Universe 4th runner up Maria Venus Raj at Miss World 2021 semi-finalist Danica Terese Dilla.

Magmula noon, nagkaroon na ng isa sa mga pinakamasarap na estasyon ng Kinalas sa Legazpi. Matitikman ang kanilang best-seller na overload Kinalas sa halagang P100. Sulit, overload, at the best!

First impressions last, ika nga nila. Kaya naman, lubos-lubusin na ang pabago-bagong panahon at tikman ang tinaguriang Bicol’s best – mapa-Legazpi man o Naga. Ikain mo na yan ng Kinalas! | via Danica Roselyn Lim

IMG 6279
IMG 6280

Photos: Danica Roselyn Lim

Share