Coffee paintings, tampok sa isang art exhibit sa Daraga, Albay

Legazpi City — Patok ang mga coffee paintings sa ArtNiHan: A Coffee Painting Exhibit na bukas sa publiko mula Pebrero 12 hanggang Pebrero 25 sa Café Fabrika, Brgy. Kimantong, Daraga, Albay. 

Dinarayo ngayon ng mga art enthusiasts ang nasabing exhibit dahil sa kakaiba nitong medyum kung saan ang mga kalahok na visual artists ay mula sa iba’t ibang bahagi ng Bicol. 

Ayon kay Dennis Concepcion, pangulo at founder ng Art Lift PH – Bicol, nilalayon ng exhibit na ito na isulong ang natatanging sining at kultura ng rehiyon upang mas mabigyang pansin ang mga nakatagong talento ng mga lokal na visual artists sa larangan ng coffee painting. 

“Maipagmamalaki namin ‘yung style namin as an artist. Kasi napakahirap nung coffee painting compared sa other medium, unlike sa water color, acrylic oil – mas madali siya gawin. Sa ganitong coffee medyo mahirap talaga siya, so I’m proud to say na nagawa nila ng maayos ‘yung pinapagawa ko,” dagdag pa nito. 

Ang coffee painting ay ang paggamit ng kape sa pagpinta ng mga obra na siyang ipinagmamalaki sa eksibit.

Si Jezzel Ecaldre, miyembro ng Art Lift PH – Bicol mula pa sa Catanduanes ay baguhan sa coffee painting. 

“Nainspire ako sa mga artists na gumagamit ng coffee painting so why not try it. So ayon, nagtry ako and actually ngayon parang gusto ko na ‘yung medium na ‘yon kasi more on acrylic lang ‘yung gamit ko and oil painting so now parang nakakaamaze na gumamit ng ibang medium din which is ‘yung coffee painting nga,” ani Ecaldre sa isang panayam sa Bicol.PH. 

Stress reliever raw ang pagguhit para kay Ecaldre. “So nagpush sa akin is ‘yung love ko talaga sa art kasi passionate ako sa art, gustong gusto ko talaga siyang ginagawa. Nakakarelieve ng stress like pag stress na sa school, mga activities ‘yun talaga ‘yung pinaglalaanan ko ng oras,” saad nito.   

Ehemplo ng Sining 

Bilang curator ng exhibit, nais ni Concepcion na makatulong sa mga lokal na visual artists gayundin sa mga gustong pumasok sa larangang ito dahil na rin sa kaniyang mga nakaraaang karanasan noong siya ay nagsisimula pa lamang. 

“Ineencourage namin sila na magpinta, gumawa ng kakaibang obra. Parang tulong din sa kanila e. Kasi that time nung student pa lang ako, parang mahirap din gumawa doon sa sistema na walang tumutulong sa’yo, kaya ayon ginaguide ko sila na mapabuti nila ‘yung ginagawa nila,” ani Concepcion. 

Nais rin ni Concepcion na mas pang palawakin ang sakop ng Art Lift PH – Bicol sa mga susunod na taon. 

“Actually, itong ginawa ko way back 2018 pa. So, Art Lift Philippines talaga siya dati, ginawa ko lang na Art Lift PH Bicol kasi ‘yung plano ko is for international talaga, magsisimula lang siya dito sa Bicol. Siguro mga 2 to 3 years from now, magbubukas ang ibang chapters sa ibang cities and municipalities,” saad nito. I Danica Roselyn Lim

20230212 211241 0002 1
20230212 211241 0005
20230212 211241 0008
20230212 211241 0004 1
20230212 211241 0009
20230212 211241 0007
IMG 6269
20230212 211241 0006
IMG 6267
20230212 211241 0003

Photos: Danica Roselyn Lim & Art Lift -PH Bicol

Share