2 estudyante sa Catanduanes, arestado sa paggamit ng marijuana, 1 arestado nang magtangkang magpuslit ng shabu sa Cam Norte

Nahuli ang dalawang estudyante ng isang unibersidad sa Catanduanes bandang alas 2:30 ng hapon nitong Lunes, Enero 30. 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naaktuhan ng guwardya ng unibersidad ang mga suspek habang gumagamit ng pinaghihinalaang marijuana. 

Kapwa 21 taong gulang ang mga ito na residente ng Sto. Nino at Brgy. Rawis, Virac Catanduanes. 

Agad na nagtungo sa lugar ang Virac Municipal Police at nakumpiska ang isang glass tube at pakete ng hinihinalang marijuana na may timbang na 4 na gramo.

Sa Daet, Camarines Norte, nahuli naman ang isang babae, 39 taong gulang at residente ng Brgy. 1, Daet, Camarines Norte, kahapon bandang 4:20 ng hapon.

Bibisita sana ito sa kanyang kaibigan na nakakulong sa Camarines Norte Provincial Jail pero nakuhanan ito ng hinihinalang shabu sa kanyang pitaka matapos ang Pat Search na isinagawa sa main gate ng nasabing gusali. | Aaron John Baluis

Share