Bicolano, rank 10 sa Civil Engineering Licensure Exam

Hindi makapaniwala ang Bicolanong si Carl Justin Berces na rank 10 siya sa inilabas na resulta ng November 2022 Civil Engineering Licensure Examination (CELE). 

Nakakuha si Berces ng 92.90% na rating. Siya ay nagtapos bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering sa Bicol University. 

Labis namang nasiyahan si Berces nang malaman ang resulta na iniaalay niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan. 

“Sobrang saya ko po [at ng aking pamilya] ngayon [dahil lahat ng] stress, effort, [at] hardwork [namin ay] nagbunga na po at last. And most of all, ‘yung prayers po ng buong family, sinagot po ni Lord [na makapasa ako sa CELE],” ani ni Berces. 

Si Berces ay mula sa Tabaco City at bunso sa dalawang magkapatid. | via Jona Bagayawa

IMG 5299
Share