Nagsimula na ngayong araw ang bar examinations para sa taong 2022. Isa ang University of Nueva Caceres (UNC) Naga City sa 14 testing centers sa buong bansa para sa apat na araw na bar exams. Pangalawang beses na rin ito para sa UNC bilang testing center ng bar exams na nagsimula noong nakaraang taon.
Dahil rito, sarado ngayong araw at sa mga susunod na petsa ng bar exams ang mga sumusunod na kalsada malapit sa examination site magmula hatinggabi, 12:01AM hanggang 7:00PM.
CLOSED ROADS
– Elias Angeles St. Cor. P. Burgos (Jollibee)
– Elias Angeles St. Kinastilyohan
(Plaza Quince Martires & Plaza Rizal)
– Elias Angeles St. Cor. Evangelista St. (3GX)
– Gen. Luna Cor. Abella Ext. (Dunkin Donuts)
– J. Hernandez Ave., Cor. Abella St. (Master Square)
– Bayawas St. Cor. Urban Queborac
ONE-WAY CLOSED ROADS
– Felix Plazo St. Cor. Abella to J. Hernandez Ave., Cor. Abella St.
– J. Hernandez Ave., Cor. Arana to Sta. Cruz Poro Cor. Bayawas
– J. Hernandez Ave., Cor. Arana St.
– Arana St. Cor. Barlin St.
– Gen. Luna Ext., Cor. Barlin St.
Sa Nobyembre 13, 16 at 20 ang mga susunod na araw ng eksaminasyon.
Photos: Lito Del Rosario