Kaugnay ng pagdiriwang ng National Museum and Galleries Month ay binuksan na sa publiko ng National Museum ang sangay nito sa Bicol. Ang National Museum Bicol ay matatagpuan sa Brgy. Busay, Daraga Albay.
Ang National Museum Bicol ay isang natural history museum kung saan tampok ang mga mahahalagang natural sites na matatagpuan sa rehiyon. Isa sa mga ipinagmamalaking konteksto ng National Museum Bicol ay ang Geographical exhibition nito.
Kilala ang rehiyon sa mga bulkan na may humigit kumulang tatlumpo at apat sa mga ito ay aktibo. Ang Bulkang Bulusan ng Sorsogon, Mt. Iriga at Mt, Isarog ng Camarines Sur at ang world’s perfect cone volcano na matatagpuan sa lalawigan ng Albay, ang Bulkang Mayon.
Isa ito sa isinaalang-alang ng National Museum Bicol na tinawag na “Bicolandia, land of volcanoes”.
“Of course we should not forget na ang Mayon Volcano is an icon and identity of our region kaya ito din yong isa sa kinonsider sa paggawa ng theme ng ating exhibition which is entitled Bicolandia, land of volcanoes. Sa ating mga BIcolano we are really proud that we have this Mayon Volcano as one of our cultural icon which is a rare volcanic platform.”~ National Museum Bicol
Bukod sa katangian at iba’t ibang klase ng mga bulkan, makikita rin sa museo ang ibat ibang klase ng bato na matatagpuan sa rehiyon na hinubog na ng panahon.
Isa rin sa makikita dito ay ang replica ng Rafflesia Baletei, isang uri ng bulaklak na Rafflesia na konsideradong pinaka malaking bulaklak sa buong mundo.
Ang Rafflesia Baletei na kadalasang matatagpuan sa bulubundukin ng Mt. Isarog sa Camarines Sur ay ang isa sa smallest species nito o pinakamaliit na klase ng bulaklak na Rafflesia.
“It is an endemic plant in the Philippines and also endemic in Bicol and we consider this as one of the smallest flower of the largest flower in the world. So kung tutuusin other than volcanoes we take pride para i-feature yung mga plants and animals natin through our zoological and botanical exhibit.” ~ National Museum Bicol
Ang National Museum Bicol rin ang kauna-unahang sangay ng National Museum na nagkaroon ng outdoor exhibition kung saan tampok naman ang botanical at butterfly garden.
Maaari ring puntahan ang view deck ng museo kung saang makikita ang perpektong hugis ng bulkang Mayon.
Libre ang pagpasok sa Museo mula Martes hanggang Linggo, 9AM – 4PM.
Malapit ang National Museum Bicol sa Cagsawa Ruins Park na maaari ring pasyalan ng mga turistang pupunta rito. | via Mitch Villanueva