Legazpi Search and Rescue, Detection Dog Organization, inilunsad

Labing anim (16) na mga volunteers at kani-kanilang mga aso ang sasailalim sa anim na buwan  na training ukol sa search and rescue and explosive ordinance detection.

Sila ang unang batch sa inilunsad na LESARDDO EXPLO o Legazpi Search and Rescue, Detection Dog Organization and Explosives sa pangunguna ng Legazpi City Veterinary Office katuwang ang Coast Guard District Bicol.

Ayon kay Dr. Emmanuel Estipona, Department Head ng Legazpi City Veterinary Office, layon ng programang ito na makatulong sa pagresponde sa mga sakuna o kalamidad hindi lamang sa lungsod ng Legazpi.

Ang mga magtatapos sa trainors training na ito ay siya rin na tutulong para bumuo ng panibagong mga volunteers sa iba’t ibang barangay ng Legazpi at maging sa ibang bayan ng lalawigan ng Albay

Tatlo sa labing anim na aso na kasali sa programa ay alaga ni Dr. Pamela delos Santos Valdez. Matagal niya na raw gustong magkaroon ng search and rescue dog. Nakakatulong raw para sa mga high-drive dogs ang pagkakaroon ng trabaho dahil hindi sila nagigin destructive o reactive sa mga nakapalibot sa kanila.

Karamihan ay malalaking breed ng aso ang kasali sa training. Kaya’t bukod tangi ang nagi-isang jack russel terrier na si lenlen. Ayon sa kanyang handler na si Henry Boragay, bagama’t pinakamaliit si lenlen, siya naman ang pinakamaliksi at magagamit sa pagresponde sa mga sitwasyon na maliliit ang lugar.

Lahat may breed ang mga aso na kasali sa training ngayon, pero pinag-aaralan na raw ang paggamit naman sa mga asong pinoy o aspin.

Pinuri naman ng Coast Guard District Bicol ang mga volunteers sa programang ito. Malaki rin daw ang maitutulong ng programang ito sa K9 program ng Coast Guard Bicol para tugunan ang mga emerhensya sa rehiyon.

IMG 2469
IMG 2465
Share