Pagmamay-ari ang kulay pink na kotse ng gurong si Michelle Rubio. “Pink Reading Car” ang tawag niya dito kung saan malayang makakapagbasa ang mga estudyante sa loob ng sasakyan na nakabukas ang aircon.
Sa loob ng sasakyan, makikita ang iba’t ibang reading materials na karamiha’y storybooks para sa mga estudyante.
Ayon kay Rubio, taong 2017 pa nang ipagamit niya ang kanyang sasakyan para sa pagbabasa ng mga estudyante na sinimulan niya sa kanilang paaralan sa Calao Elementary School sa bayan ng Prieto Diaz sa Sorsogon.
“Permanente na po ang mga books doon dahil may isa pa naman po akong sasakyan. It’s my another way of motivating the school children to develop their reading skills. Sa sasakyan ang naisip ko para ma-experience rin nilang sumakay dito na naka-on ang aircon at ma- motivate silang mag-aral ng mabuti lalo na sa pagbasa para someday mgkaroon din sila ng sariling sasakyan. It takes a process in influencing the school children. Kaya ang dapat lang naming gawing mga teachers is to continue creating out of the box strategies especially this time n nagkaroon tayo ng malaking learning gaps and learning loss because of the pandemic”, ani Rubio.
Mula sa Calao Elementary, nag-iikot na rin ngayon ang “Pink Reading Car” sa iba pang paaralan sa probinsiya ng Sorsogon.
Siya na rin kasi ang Reading Coordinator ng Sorsogon Division Office.
“Mga 5 to 10 learners lang po bawat school sa bawat visit ko po ang magbabasa. Isa-isa po ang pagpabasa sa loob ng sasakyan hanggang matapos po sila. Then proceed to another school po.
Aminado si Rubio na magastos ang ganitong istratehiya niya sa pagpapabasa pero balewala umano ito basta para sa ikakalawak ng kaalaman ng mga estudyante lalo na sa pagbabasa.
Bukod sa “Pink Reading Car” marami na ring iba pang learning at reading strategies at recovery na naipatupad si Rubio sa Sorsogon para sa mga estudyante. I via Karren Canon