Sumailalim sa evacuation drill ang mga mag-aaral ng Buyuan Elementary School at Arimbay High School Buyuan Campus, Legazpi City kaninang umaga bilang paghahanda sa posibleng pagsabog ng bulkan mayon.
Nasa 557 ang mga estudyante ng Buyuan Elementary School at 311 naman ang mga junior high na mag-aaral ng Arimbay High School na nasa Buyuan Campus. Ang eskwelahan ay nasa loob ng 8 kilometers mula sa bunganga ng bulkan kung kaya’t pinaghahandaan ng mga guro ang scenario na nasa alert level 4 o sumasabog ang bulkan.
Nagkaroon ng orientation sa bawat classroom at tinuruan din ang mga bata ng gagawin sa oras na kailangan na ang paglikas.
Pinangunahan ng School Disaster and Reduction Management ng nasabing eskwelahan ang aktibidad.
Kasalukuyang nasa alert level 2 ang bulkan mayon. Sa ilalim na alert level 2 ay posibleng mangyari ang phreatic explosion o magmatic eruption.
Patuloy na inaabisuhan ang publiko na bawal ang pagpasok sa 6 kilometer permanent danger zone.
Photos: Ian Ron Bello/Janel Brinces