Good vibes, hatid ng No Bag Challenge sa Sorsogon

Saya ang hatid ng 2 araw na No Bag Challenge sa mga estudyante at guro ng Casiguran Technical Vocational School (CTVS) sa Casiguran, Sorsogon.

Ayon kay Faith Dweyne Villanueva, Supreme Student Government (SSG) President ng CTVS, naisipan nilang gawin ang No Bag Challenge hindi para makiuso lamang kundi para maipakita ang creativity ng mga mag-aaral sa kanilang eskwelahan.

Sa kanila raw na pag-aaral, nalaman nila na sa US nagsimula ang challenge na ito para maiwasan ang mass shooting na malimit mangyari sa nasabing bansa.

Hindi man raw ito isyu ng Pilipinas, marami aniya ang mahiyain na mga estudyante dahil sa takot na mahusgahan kung kaya’t inilunsad nila ang aktibidad na ito.

Hindi mandatory ang pagsali pero marami ang lumahok. Ayon kay CTVS Principal Cynthia Hicarte Ramirez, “Almost all of the higher grade levels participated in the activity and it was carried out without interruption of classes”.

Kahit mga guro ay nakisali rin sa challenge. Ilan sa mga dala ng estudyante, ay dish cabinet, inidoro, lababo at washing machine.

IMG 2328
IMG 2330
IMG 2327
IMG 2324
IMG 2335
IMG 2334
IMG 2325
IMG 2326
IMG 2333

Photos: Mike Añonuevo/FB Casiguran1600

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *