Bumisita ang nasa 300 na mga magsasaka at mag-aaral mula sa Bicol at Northern Samar sa Philippine Rice Research Institute (PHILRICE) Bicol sa Batang, Ligao City ngayong araw bilang bahagi ng Lakbay Palay Program ng Department of Agriculture Bicol.
Layon ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka at mga estudyante ukol
sa modern rice varieties gayundin ang inbred at hybrid technology na maaaring magamit sa kanilang sakahan upang mas mapataas ang kanilang ani at produkto, ayon kay DA PHILRICE Bicol Director Dr. Victoria Lapitan.
Ipinakita rin sa kanila ang mga modern machineries, equipment at technology na makatutulong sa pagtatanim ng best quality rice varieties.
Dagdag pa ni Lapitan, sa pamamagitan ng Lakbay Palay program, matutulungan ang mga magsasaka sa pagpili ng angkop na rice varieties at machineries upang mas mapadali at maging epektibo ang kanilang pagtatanim, maliban pa sa tradisyonal na paraan.
Courtesy: PIA Albay