Battle of Legazpi video documentary, inilunsad

Inilunsad ng Museo de Legazpi ang Historical Video Documentary ng Battle of Legazpi upang mas maipaliwanag at mabigyang halaga ng bagong henerasyon ang kasaysayan ng lungsod ng Legazpi.

Sa programa na ginanap ngayong araw, Oktubre 11, 2022 sa Albay Astrodome, sinabi ni Museo de Legazpi curator Darlito Perez Jr. na ginawa ang video documentary ng makasaysayang Battle oof Legazpi upang mas mapadali ang pagsasalin ng kaalaman sa mga bagong henerasyon lalo na’t mas nais ng mga kabataan ngayon ang visual presentations kumpara sa pagbabasa.

Aniya, kanilang nilagyan ng mga animations at mas pinasimple ang pagpapaliwanag ng makasaysayang kaganapan.

Ang video documentary ay ipakikita raw sa mga paaralan at maaaring magamit sa mga history lessons at presentations upang mas maraming kabataan ang makaalam nito.

Pagbibigay-diin ni naman ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, mahalaga na malaman at mabigyang halaga ang nakaraan at kasaysayan upang maging mas matatag at malinaw ang kinabukasan.

Kasama ni Perez bilang resource speakers para sa nasabing documentary ang mga local historians, authors at educators na sina Abdon Balde Jr., Rafael Banzuela Jr., Rino Domingo, Fernandez at broadcast journalist Arturo Osia. I via PIA Albay

IMG 3755
IMG 3756
IMG 2316
IMG 2314
IMG 2312
IMG 2315
IMG 2311

Photos: FB/Gie Rosal, PIA Albay

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *