Makukulay at mistulang canvass na mousepad

Mula sa kanyang mga nagawang obra ay isinalin ng bikolana artist ang mga makukulay niyang paintings sa mousepad.

Ayon kan Djai Tanji ng Legazpi City, naisipan niyang gawin ang Mousepad Art na tinawag niyang Whimsy Mousepads bilang pagbabalik sa art scene matapos ang kanyang operasyon sa puso noong nakaraang taon.

โ€œIf u remember, one year na ng heart operation ko and its success. Halos ilang months na fundraising yun and and it was made into possibility just around this time. That’s why I included my new collection and new paintings (2021-2022) sa catalogโ€, ani Djai.

Malaki raw ang naging pagbabago ng kanyang buhay at masaya siya sa mga biyayang kanyang natatanggap. โ€œThankful sobra for my gradual recovery and comeback. Kumbaga I learned my lesson the hard way so I’m doing it right this time since I was blessed with a second life. Thus, I have to create a new set of collection to signify itโ€, pagtatapos ni Djai.

Nagkakahalaga ng Php 300 ang bawat mousepad at Php250 naman kung higit limang piraso pataas ang kukunin. https://www.facebook.com/671645926191053/posts/3758270237528591/?sfnsn=mo

Photos: Djai Tanji

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *