Mga Taga-suporta ni Rosal, Nagsagawa ng Prayer Rally sa Albay

Nagtipon-tipon ang libo-libong mga Albayano mula sa iba’t ibang bahagi ng Albay sa isang prayer rally nitong Sabado, Enero 11, sa Ligao City, Albay, bilang suporta kay dating Albay Governor Noel Rosal.

Ginanap ang pagtitipon sa harap ng St. Stephen Protomartyr Parish Church. Sa pagtataya ng lokal na pamahalaan ng Ligao City, nasa lima hanggang anim na libo ang dumalo sa kabila ng masamang panahon.

Isanagawa ang nasabing rally matapos ang desisyon ng Comission on Elections En Banc na ibasura ang motion for reconsideration ni Rosal hinggil sa pagde-disqualify sa kanya na tumakbo bilang gobernador sa darating na halalan sa Mayo 2025.

Sa isang panayam, nagpahayag si Rosal ng pagkabigla sa mabilisang proseso ng desisyon ng Comelec En Banc kaugnay ng kanyang kaso. 

“Syempre ang nakakabigla lang dito, holiday pa nirefer ito ng Comelec 2nd division sa En Banc ng January 6, then January 7 may decision na, the fastest. Sabi nga ni Atty. Macalintal this is the fastest like the jetplane hindi man lang nila prinefer or hindi man lang pinasagot yung complainant,” ani Rosal.

Ipinaliwanag ni Rosal na dadalhin nila ang usapin sa Korte Suprema upang humiling ng Temporary Restraining Order (TRO).

“Syempre we have to face this, so kailngan magsubmit na kami ng appeal sa korte suprema so we have to get a TRO, para mapigil ito, so sa ngayon ito lang naman ang nakikitang hinaing ng mga Albayano, this is not about Gov. Rosal, this about democracy, dagdag pa niya.

Nagpahayag din ng suporta ang mga dumalo. 

“Sana po hindi sya ma disqualify kase hindi naman po talaga sya, kumbaga wala naman po syang ginagawang masama labag sa batas tsaka suportado po sya ng maraming tao talagang marami niyang natulungan yung mga senior po yung sa mga medical,” ayon kay Richelle Martinez, 42, mula sa Tabaco City.

Para naman kay Merley Alejandre, 59, pangulo ng womens planters sa Ligao, “Sobra po 100% na pagsuporta kay Gov Rosal, masasabi po namin na hindi po pwedeng i-disqualify si Gov Rosal dahil marami po nagmamahal sa kaniya.”

Sa kabila ng hamon, positibo si Rosal na maririnig ng Korte Suprema ang kanilang panawagan at makakamit nila ang katarungan.I Jeric Lopez

IMG 4086
IMG 4087
IMG 4092
Share