Libo-libong mga estudyante ng Bicol Univeristy ang lumahok sa pagsisimula ng Special Satellite and Register Anywhere Project (SSARAP) ng Commission on Elections (Comelec) katuwang ang Bicol Univeristy (BU) na ginanap sa BU East Legazpi Gymnasium nitong Lunes, Pebrero 19.Ā
Mithiin ng BU Kugos COMELEC SSARAP na paramihin ang bilang ng mga botante sa syudad sa pamamagitan ng madaliāt maayos na proseso. Sa paunang araw nitoāy libo-libong mag-aaral ng BU kabilang ang iilang mga residente ng Albay na hindi pa nakakapag-parehistro ang dumaloāt nakilahok.
Nauna nang sinabi ng Comelec-5 Regional Director na si Juana Valeza sa isang panayam na ang inisyatibang itoāy naglalayong magbigay ng kaalaman at itanim sa isip ng mga kabataan ang importansya ng pakikilahok sa demokratikong proseso maging ang pagpili ng nararapat na i-halal.
Dinaluhan rin ni COMELEC Chairman George Garcia ang aktibidad at kanyang sinabi na kung magtagumpay at matiyak na secured ang isinagawang online registration para sa mga Pilipino abroad, kanila na rin itong gagamitin nationwide lalo na sa mga matatanda, may kapansanan at iba pang prayoridad na indibidwal.
āThe business of election is not only the business of COMELEC, it is the business of everyone; itās the business of the Governor, of the president of the university, of the armed forces, of the DILG, the CHED and practically all,ā pahayag ni Garcia.
āHindi po magiging successful ang demokrasya kung hindi natin pagtutulong-tulungan ang lahat,ā dagdag pa niya.
Ayon sa isa sa mga pumila na si Maria Cristina Espinar, 37 na tubong Daet, Camarines Norte, bagamat matagal na sila ng kanyang asawa sa Legazpi ay sa Daet pa rin umano sila bumoboto at ngayong taon lamang naisipang opisyal na magpalipat.
āPasalamat pong maray ta registered na po ako digdi. Aluyon po kaya maka-orar kang mga naka agi. Bako po arog ngunyan na pasil na sana,ā ani ni Espinar.
Ayon naman kay John Charl Andes, 19, isang estudyante at first time voter, isa sa mga benipisyo ng pagpaparehistroāy nagiging paraan ito upang makilahok ang mga kagaya niyang estudyante pa lamang sa demokratikong paraan ng pagpili ng isang pinuno.
āMas eligible na po sa mga students plus ādi na po much hassle yung pag register namin sa congress for upcoming election,ā sambit ni Andes.
Samantala, ang nasabing proyekto ay bukas sa publiko at magtatapos bukas, Pebrero 20 alas-5 ng hapon. Kasalukuyang nasa proseso pa rin ng pagpapasya kung saan at kaylan ulit ipagpapatuloy ang aktibidad. | Gabby Bajaro, Melojane GuiriƱa